“I do my thing and you do yours. I am not in this world to live up to your expectations, and you are not in this world to live up to mine. You are you and I am I..." (Frederick Perls)


Home » Archives » December 2007

Madz Concert

Thursday, December 20, 2007

 Last night I was in CCP and watched the concert of the Madrigal singers.  Kasama ko ang aking pinakamamahal at ang kanyang bestfriend na si Ai.

First time ko kagabi na mapanood ang Madz na live. At talaga namang napahanga pa ako lalo sa galing nilang umawit. Akala mo ay para silang mga makinang tao na naglilikha ng magaling at nakakahangang tunog.

Naging fan ako ng Madrigal noong naging kami na ng aking pinakamamahal. Member din kasi sa ng choir. Dati kasi ay puro pop, rnb at alternative lang ako. Tapos naimpluwesyahan na din ako sa tipo ng mga tugtog na gusto niya at yun na nga naging fan na din ako ng mga choir at ng madz.

Sobrang galing talaga ng Madrigal singers. Kaya naman hindi talaga maikakaila kung bakit ilang beses na silang nananalo sa iba't ibang paligsahan sa buong mundo. At kamakailan nga ay tinanghal silang champion sa 19th European Grand Prix. Nakakalungkot nga lang isipin na ang mga choir na kagaya ng Madrigal na nagdadala ng parangal sa bansa natin ay walang natatanggap  na suporta mula sa gobyerno. Palibhasa walang hilig sa arts ang kasalukuyang gobyerno natin kaya ang mga kagaya ng Madrigal ay hindi napagtutuunan ng pansin kahit na ilang beses na silang hinangaan ng buong mundo dahil sa taglay nilang galing sa pag-awit.

Hindi ko talaga makakalimutan ang concert na yun dahil talagang napatulala ako sa galing nila. Nanunuot talaga sa kaluluwa ang pag-awit nila. Yun ba yung tipong kahit na may mga ilan silang kinanta na iba ang language e talagang nararamdaman ko pa rin yung ibig sabihin ng kanta. Pero ang pinakapaborito kong parte ay nung kinanta nila yung Circle of Life at ginagaya pa nila yung tunog ng mga hayop sa gubat. Astig nun. Paborito ko din ang Madzitawanan part. Ito yung part na kumanta sila ng mga novelty songs at mga kantang nakakatawa. Sobrang natawa ako sa kanta nilang Ang Ganda ko ni Sandara Park  na may kasama pang action at ang Keys Me (Kiss Me) ala Alyssa Alano version with matching Alyssa accent and pronounciation. Talagang humagalpak ako sa kakatawa.

Swerte ako dahil kasama kami sa mga taong nakapanood ng huling concert ng Madrigal sa CCP ngayong taon na to. Pagkatapos kasi nun e bakasyon daw muna sila. 

Haaay! Isa na namang experience na hindi malilimutan. Isang experience na napanood ko ng live ang world class talent ng Madrigal Singers! :)

 

 

Eto yung video na nakuha ko sa You Tube nung kinanta nila yung Circle of Life sa Korea  na ipinalabas sa Arirang.

 

Posted by ihidemyself at 6:22 pm | permalink | Add comment