“I do my thing and you do yours. I am not in this world to live up to your expectations, and you are not in this world to live up to mine. You are you and I am I..." (Frederick Perls)


Home » Post Item » Tatlong Araw (Long Weekend Vacation)

Tatlong Araw (Long Weekend Vacation)

Monday, December 3, 2007

"tatlong araw lang pala
ako naging maligaya
di ko man lang napuna
tatlong araw ko'y tapos na"

'Yan ang kanta na kanina pa tumatakbo sa aking isipan. Tatlong araw, tatlong araw na pakiramdam ko ay malayo ako sa mundong kinagagalawan ko. Tatlong araw na walang ibang inisip at inintindi. Tatlong araw na makabuluhan at masaya. Tatlong araw na kay sarap namnamin na malayo ako sa pressure ng mundong kinagagalawan ko. Ngunit ang tatlong araw na yun ay tapos na at heto na naman balik sa mundo ko, balik sa mga problemang dapat lutasin, sa mga bagay na kelangang ayusin. Ang tatlong  araw ay nagdaan na at balik na naman sa reyalidad ng sarili kong buhay.

Pasado alas onse na ng gabi nung dumating ako dito sa bahay pagkatapos ng tatlong araw na pagkawala ko. Yun yong oras na natauhan ako na nakabalik na pala ako at muling nakaharap sa reyalidad ng mundo ko. Balik na naman sa mga dating gawain, balik sa dating buhay.

 Kay sarap isipin na sa tatlong araw na nagdaan ay nakalimutan ko ng panandalian ang aking mga problema. Salamat sa biyaya ng long weekend at kahit papaano ay naipagpahinga ko din ang aking isipan at ang aking sarili mula sa mga pressures ng sarili kong mundo. Kaya naman masasabi ko na nakapag-recharge ako ng aking sarili.

Sa tuwing may pagkakataon na dumarating kung saan maari akong makapagbakasyon ay sinsasamantala ko ito. Dahil ito lang ang tanging paraan na maaari kong maipagpahinga ang aking sarili at wag mag-intindi at mag-isip ng kung ano anong bagay.

Masarap isipin na kahit sandali ay nakalayo ako sa reyalidad ng buhay ko ngunit ang katotohanan ay hindi ko talga matatakbuhan ng matagal ang reyalidad na bumabalot sa mundo ko dahil darating at darating din sa punto na kikakailangan kong kaharapin at lutasin ang kahit anong problema na meron ako sa kasalukuyan. Hindi ako pwedeng tumakbo ng matagal sa katotohanan na may mga bagay akong kelangan lutasin, mga bagay na dapat ayusin at mga bagay na dapat gawin.

Heto uli ako, balik sa aking mundo, balik sa sarili kong buhay, balik sa reyalidad.

 

 

 


Posted by ihidemyself at 4:17 am | permalink

Previous Comments

same sentiments here.. 3days.. so bitin! lolx.

Posted by vanny at December 3, 2007, 8:08 pm

wala talaga tayong magagawa, at pumasko sa isip ko ang “Harapin” ng Spongecola, hehe.

Posted by komski kuno at December 3, 2007, 9:10 pm

@vanny- sana nga madalas na lang ang long weekend para mas madalas din ang pahinga.hehe ;)

@komski-talgang hinanap ko pa yung lyrics at kanta ng spongecola kasi hindi ko alam yung kanta na yon e. hehe. ganda ng meaning nung kanta. nagustuhan ko. salamat! :)

Posted by ihidemyself at December 3, 2007, 11:56 pm

masarap talaga ang bakasyon, at kailangan natin ito para nga makapagrecharge tayo.. ^_^

welcome back sa reality.. :)

Posted by karmi at December 4, 2007, 8:46 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment