Tinawag ka na bang loser ng taong mahal mo? Isang tao na akala mo tangap ka kung sino at kung ano ka? Taong pinagkakatiwalaan mo ng lahat? Taong sinasabihan mo lahat ng sikreto mo? At dahil lang sa away niyo ay sinabihan ka ng LOSER! OUCH!!! Sakit nun!
Tinawag ka na bang loser ng taong mhal mo? Ako, oo.
LOSER! LOSER! LOSER!
Ano nga ba ang loser? Talunan? Walang binatbat? Walang kwenta?
Siguro kung ibang tao ang nagsabi sa kin nun hindi ako masasaktan at mas matatanggap ko pa. Dahil sila, wala silang alam sa iba't ibang bagay sa buhay ko. Pero ang taong mahal ko, tatawagin akong loser? Daig ko pa ang nagpasapak, nagpasampal at nagpatadyak sa bawat isang tao na araw araw nakapila sa LRT. Sakit nun!
Biglang bumaba ang tingin ko sa sarili ko. Siguro nga loser ako dahil isang tao na kilala ako at alam lahat ng bagay tungkol sa kin ang nagsabi ng "Loser!"
Alam ko na nasaktan ko din siya dahil sa aking mga sinabi at alam ko na madalas ko siyang nasasaktan dahil sa mga sinasabi ko tuwing may away kami. Siguro napuno na lang siya kaya niya ako sinabihan nun.
Pero kung totoong loser ako, bakit pa niya ko pinatulan? Samantalang alam ko naman na hindi bagay sa kanya ang isang loser.
Habang tumatagal mas patindi ng patindi ang away namin. Mas sumasakit ang mga palitan ng salita. Natatakot ako sa sunod na pwedeng mangyari dahil aaminin ko, hindi ako handang mawala siya sa akin, Ayokong mawala siya sa akin. Dahil siya lang ang nagbigay ng halaga sa isang loser na kagaya ko.