Tinawag ka na bang loser ng taong mahal mo? Isang tao na akala mo tangap ka kung sino at kung ano ka? Taong pinagkakatiwalaan mo ng lahat? Taong sinasabihan mo lahat ng sikreto mo? At dahil lang sa away niyo ay sinabihan ka ng LOSER! OUCH!!! Sakit nun!
Tinawag ka na bang loser ng taong mhal mo? Ako, oo.
LOSER! LOSER! LOSER!
Ano nga ba ang loser? Talunan? Walang binatbat? Walang kwenta?
Siguro kung ibang tao ang nagsabi sa kin nun hindi ako masasaktan at mas matatanggap ko pa. Dahil sila, wala silang alam sa iba't ibang bagay sa buhay ko. Pero ang taong mahal ko, tatawagin akong loser? Daig ko pa ang nagpasapak, nagpasampal at nagpatadyak sa bawat isang tao na araw araw nakapila sa LRT. Sakit nun!
Biglang bumaba ang tingin ko sa sarili ko. Siguro nga loser ako dahil isang tao na kilala ako at alam lahat ng bagay tungkol sa kin ang nagsabi ng "Loser!"
Alam ko na nasaktan ko din siya dahil sa aking mga sinabi at alam ko na madalas ko siyang nasasaktan dahil sa mga sinasabi ko tuwing may away kami. Siguro napuno na lang siya kaya niya ako sinabihan nun.
Pero kung totoong loser ako, bakit pa niya ko pinatulan? Samantalang alam ko naman na hindi bagay sa kanya ang isang loser.
Habang tumatagal mas patindi ng patindi ang away namin. Mas sumasakit ang mga palitan ng salita. Natatakot ako sa sunod na pwedeng mangyari dahil aaminin ko, hindi ako handang mawala siya sa akin, Ayokong mawala siya sa akin. Dahil siya lang ang nagbigay ng halaga sa isang loser na kagaya ko.
tama ka dun komski. sobrang sakit talaga pag yung taong mahal mo e ganun ang sinabi. pero at least now e ok na kami uli. napag-usapan na namin lahat at nagkaayos din sa wakas.
salamat sa muling pagkomento at pagdalaw.
link na rin kta. kapit lang. kahit anong gawin nya, wag mong pakakawalan.
Well, kumusta naman kayo ng mahal mo ngayon? Sana magkasundo na kayo. Ang masasabi ko lang, don’t let anyone bring you down or insult you, unless you really deserve it. Sometimes give love to your self too. Have some self-respect.
yael- haha. tagal na nito a. ok naman na kami. masaya na naman. balik sa dati. siguro lang kasi isa sa mga kahinaan ko pagdating sa love e masyado ako napapaubaya, to the point na minsan e tanggap ko na lang kahit anong bagay kasi mahal ko e. hehe.
yeah, i’ll keep that in mind that i shall never forget to respect myself as well. thanks!
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
pinakamasakit talaga kapag nanggaling sa minamamahal mo yung mga ganun. May nasabing minsan nsa akin yung gf ko, hindi naman “loser” pero parang may biglang kirot sa dibdib ko at nangilid kaagad ang luha sa mata ko.
Pwede pa kung sa iba, i could just laugh it off, pero world’s apart kung siya.
Posted by komski kuno at December 9, 2007, 7:56 am