“I do my thing and you do yours. I am not in this world to live up to your expectations, and you are not in this world to live up to mine. You are you and I am I..." (Frederick Perls)


Home » Post Item » Another Christmas Without Her

Another Christmas Without Her

Wednesday, December 12, 2007

Sobrang nakakatamad itong araw na ito para sa akin. Maghapon lang akong nakatambay dito sa bahay kasi wala akong pasok ngayon. Gusto ko sanang manood ng dvd pero wala kong mahanap na magandang papanoorin, ayoko namang manood ng tv kasi nakakasawa na din mga palabas, at hindi ko rin gustong lumabas dahil wala akong pupuntahan, kaya naman namasyal na lang ako dito sa blog haggang sa napadpad ako sa blog ni Karmi at nabasa ko ang kanyang pinakahuling entry na Christmas Shoes.

Ang Christmas shoes ay isang napakalungkot na Christmas song. Nakaka-touch ang mensahe nito kaya naman hindi ko mapigilang mangilid ang aking luha habang pinakikinggan ko ito. Hanggang sa hindi ko na napigil at pumatak na ang aking mga luha dahil ang kanta ay nakapagpa-alala sa akin sa importanteng tao sa buhay ko, at yun ay ang aking mama.

Mahigit sampung taon na mula noong huli namin siyang nakasama. Higit sampung pasko na ang dumaan na hindi namin siya kapiling.

Hanggang ngayon, pagdating sa usapin tungkol sa mama ko ay masyado pa rin akong sensitive. Pag mama ko na ang pinag-uusapan ay tiyak na napapaluha ako at sobrang iniingatan ko ang kanyang mga ala-ala, mga ala-ala ko na kasama ko siya, kasama namin.

Marami ding tanong ang pumasok sa isipan ko noong kinuha na siya sa amin. Maraming mga 'what if' na hanggang ngayon ay dala dala ko pa rin. Pero wala na akong magagawa dahil gustuhin ko mang makasama namin siya ngayong darating na pasko ay hindi naman pupuwede yun. At tsaka syempre alam ko namas masaya na siya kung saan siya andun ngayon, dahil dun araw araw pasko.

Marami akong ala-ala sa mama ko tuwing pasko. Masasayang ala-ala na kahit kelan ay hindi ko kakalimutan. Sobrang laki ng puwang na naiwan ng mama ko sa akin, sa buhay ko, na kahit sinong tao o anong bagay ay hindi mapupunan. Hindi man namin siya kasama ngayong darating na pasko alam ko na palagi namin siyang kasama sa aming isip, puso at ala-ala. At mananatili siyang buhay dun pasko man o hindi.

 Gusto ko pa sanang magkwento ng marami pang bagay tungkol sa mama ko pero baka mapa-iyak na ako sobra, kaya wag na lang. hehe

 

** Kung gusto niyo pakinggan yung Christmas Shoes na kanta, click niyo dito-  http://idlip.net/?p=127#more-127 

 

 


Posted by ihidemyself at 4:42 pm | permalink

Previous Comments

mama’s girl din ako kaya di ko alam kung kaya ko bang mawala ung nanay ko.

yup, tama ka, masaya na si mama mo kung nasan man sya ngayon and alam kong binabantayan pa rin nya kayo kahit na nasa malayo na sya.. ^_^

*hugs* ulit para sau.. :) tc!

Posted by karmi at December 13, 2007, 1:18 pm

Aww. Nakakalungkot nga. Hindi ko maisip ang buhay ko na wala yung mom ko. :(

Posted by Ken at December 15, 2007, 2:11 am

@karmi- tnx uli sa hugs mo. ramdam ko sobra. sweet mo talga.

yup, i agree na asan man siya ngayon binbantayan pa rin niya kami.

@ken- super sad talga. kaya treasure every moment sa mga taong importante sa yo specially sa mom mo.

Posted by ihidemyself at December 17, 2007, 4:33 pm

Waa kakaiyak naman ito.

Last week nagaway kami ng Nanay ko, nagtext sya na parang pinalayas nya na ako, but I know din naman ganun ang ibig nyang sabihin.

So email ko sya: wag ka lagi galit kasi, may sakit pa pa naman. Ano na lang ako kung wala ka Nanay? Hindi ko pa kaya na wala ka.

Reply nya just this morning ko lang nabasa:

please dont think otherwise. . i’ve been thinking about it for quite sometime na it is better that you stay there para in times of trouble you can come home to us. . . you will have a place of refuge. . . I wanted you to be happy. . . have a place to be called your home. . .like what happened few weeks ago. . . you have nowhere to go.

—-
Iyak ako ng iyak.

Wala lang, sorry, wala kasi outlet.

Posted by Kaldong at December 21, 2007, 9:14 am

i lost my father in 04, mejo hindi kami close… nung wala na xa, dami din akong wat ifs… bigla, parang naapreciate ko mga efforts nya para maging better ung life nmin… ayokong isipin na mama ko nman ang mang-iwan, tulad ni kaldong, hindi ko pa kaya na wala mama ko!

Posted by greks at April 16, 2008, 7:08 pm

@greks-
sorry to hear about that. mahirap talaga mawalang ng umportanteng tao sa buhay, pero kelangan natin magmove on kasi mas masaya na sila kung nasan man sila ngayon.

Posted by ihidemyself at April 18, 2008, 7:19 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment