Today I received my first christmas gift. Well technically pangalawang christmas gift ko na tong natanggap kung iko-consider yung pamaskong pera na ibinigay ng dad ko.
Supah happy ako sa gift na natanggap ko ngayon. Favorite perfume ko. BVLGARI.
Natuwa talaga ako noong iniabot sa akin yung paper bag at akala ko kung anong laman. Pagbukas ko mas lalo akong natuwa ng makita kong bvlgari ang laman nito.
Last christmas bvlgari ang pamasko ko sa sarili ko. May kasama pa itong maliit na bag at body wash. Sobrang gustong gusto ko talaga ang amoy ng pabangong to hindi kasi masangsang ang amoy nito kaya hindi masakit sa ilong.
Sabi ko nga kanina kung tatanungin ako kung ano ang amoy ng pasko para sa akin ay sasabihin ko na ito ay amoy bvlgari. Hehe.
Supah happy ako kasi hindi ko na kailangang bumili ng bvlgari ngayon dahil binigyan na ako. Balak ko pa namang bumili uli nitong susunod na linggo kahit na mabigat talaga sa bulsa ang presyo nito. Salamat talaga at meron na uli ako ng favorite perfume ko. Nasave pa ang pera ko. hehe. :-D