Minsan dumarating sa buhay natin na tayo ay napapalayo sa isang lugar na itinuturing nating naging tahanan na natin. Sa isang lugar kung saan ramdam natin kung saan tayo nabibilang. Isang lugar kung saan naipapahayag natin ang ating mga saloobin. Ang lugar kung saan pakiramdam natin ay malaya tayong gawin ang mga bagay na nais nating gawin, ang lugar kung saan komportable tayong manatili ng matagal na walang kinakatakutan na kahit ano. Isang lugar na walang bakas ng pag-aalinlangan na ipakita kung sino at kung ano tayo. Ito ang lugar na nagsisilbing tahanan natin, tahanan kung saan ang puso at ang isip at pagkatao ay naniniraan.
Kung tayo ay napapalayo sa ating tahanan ay siguradong nararamdaman natin na may kakulangan sa ating sarili. Nararamdaman natin na parang may hinahanap ang ating mga puso na kung minsan ay hindi natin malaman kung ano. At kadalasan nahahanap lang ang kasagutang yun pag tayo ay nakabalik na sa ating tahanan kung saan nararamdaman natin na komporatable na tayo at ligtas at ang pag-aalinlanagan ng puso ay hindi na nararamdaman.
Itinuturing ko ang blog na ito na aking tahanan. Ang aking tahanan kung saan pwede kong bigkasin lahat ng aking mga saloobin. Ang tahanan ko kung saan malaya akong ihayag ang kahit anong bagay ng naisin ko. Ito ang natatanging lugar kung saan pwede kong iparating sa mundo ang lahat ng nais kong sabihin at ilagay sa salita ang bawat bagay na nasa isip ko. Ito ang aking tahanan, ito ang aking lugar.
Marahil ay may nagtatanong kung bakit "My Hiding Place" ang title ng blog ko. Sa totoo lang noong ginawa ko itong blog na ito ay wala ring malinaw sa sagot kung bakit nga ba My Hiding Place ang napili kong title. At ang alam ko lang ay ginawa ko itong blog na ito para kahit paano ay maipahayag ko din ang mga bagay tungkol sa akin na nais kong ibahagi sa iba, mga bagay na nais kong ibahagi sa mundo.
Hindi naman extra ordinaryo ang buhay ko para ibahagi ito sa mundo dahil isa lamang akong ordinaryong tao, ngunit ang blog na ito ang aking paraan para kahit pano ay magkaroon naman ng buhay ang mga bagay na laman ng aking isipan at maibahagi ang mga ito sa mga taong maliligaw at magbabasa sa blog na ito.
Itong blog na ito ay ang aking maliit na espasyo sa malawak na mundo na kinagagalawan ng bilyung bilyong tao sa lahat ng lugar. Ito ang aking espasyo kung saan ako nagiging malaya dahil alam ko na ito lang ang tanging maliit na espasyo na matatawag kong akin lang dahil dito ko malayang naibabahagi sa mundo ang mga bagay sa buhay ko. At yun din mismo ang naging isa sa mga dahilan kung bakit ko ginawa ang blog na ito. Dahil naisip ko na sa paraan na ito ay maari kong ipahayag ang aking mga saloobin at maibahagi sa iba ang kahit iilang bagay sa aking buhay. Hindi ako isang magaling na writer o blogger pero ginawa ko ang blog na ito para ang isang ordinaryong tao na kagaya ko ay magkaroon ng maliit na puwang kung saan nararamdaman ko na bahagi ako ng malaking mundo dahil nailalabas ko sa pamamagitan ng blog ng ito ang mga bagay na nais ihayag ng aking puso o ng aking isipan at magkaroon ng ideya ang ibang tao tungkol sa aking sarili.
Matagal din akong hindi nakapagsulat sa blog na ito. Matagal ko ding hindi nailagay sa letra ang mga bagay na laman ng isip ko. At masaya akong sabihin na makabalik na uli ako sa aking tahanan. Sa tahanan kung saan ako ay malayang naririnig ng mundo at komportableng ihayag ang aking mga saloobin.
At ang puso ko ay may galak na bigkasin ang mga katagang ito: "I AM HOME AGAIN!"