“I do my thing and you do yours. I am not in this world to live up to your expectations, and you are not in this world to live up to mine. You are you and I am I..." (Frederick Perls)


Home » Post Item » Surprise!!!

Surprise!!!

Monday, February 4, 2008

Madaming mga bagay sa buhay natin na dumadating na kung minsan ay hindi natin inaasahan. Kadalasan ay mga bagay na ipinagpapasalamat natin. Mga magagandang bagay na kung minsan ay dumadating kung saan ang mga ito ay hindi natin inaasahan. May mga bagay na hindi natin hinihiling na dumating pero ito ay ipinagkakaloob sa atin. Ito ang mga bagay na hindi natin inaasahang mangyari, mga bagay na tinatawag nating sorpresa.

Ang buhay ko ay puno ng iba’t ibang sorpresa. May mga sorpresa na malungkot at mayroon din namang mga sorpresa na talaga namang nakapagdulot ng kasiyahan sa akin.

May mga bagay na hiniling ko at ipinagkaloob sa akin at mayroon din namang mga magagandang bagay na hindi ko inaasahang darating ngunit ito ay dumarating ng kusa. Mga bagay na nagbigay sorpresa sa akin. Mga bagay na ipinagpapasalamat ko ng sobra.

Hindi ako nakagawa ng post sa pag-alis ng taong 2007 at pagpasok ng 2008 kaya naman sasamantalahin ko na ang pagkakataong ito para gawin ang hindi ko nagawang post tutal ay hindi pa naman tapos ang chinese new year. :) Kaya naman Kung Hei Fat Choi sa ating lahat! 

Noong nakaraang taon, maraming kaganapan sa buhay ko ang hindi ko inasahang mangyari. Maraming mga sorpresa ang ipinagkaloob sa akin. At ang isa sa mga pinakamagandang sorpresa na natanggap ko noong nakaraang taon ay ang pagdating ng aking pinakamamahal sa buhay ko.  Hindi ko lubos maisip na sa araw at sa pagkakataong yun na nagkakilala kami ay magiging parte siya ng buhay ko. Ang inakala kong isa na naman sa mga ordinaryong araw sa buhay ko ay nagbigay ng sorpresa sa akin dahil noong araw na yun ay nakilala ko ang aking pinakamamahal. At nagbunga naman ng maganda ang sorpresang  yon na dumating sa buhay ko dahil noong Jan. 30 ng taong ito ay ipinagdiwang namin ang aming unang anibersaryo. Yung bagay na yun pa lang ay higit ko ng ipinagpapasalamat ng sobra. Isang sorpresa sa buhay ko na hindi ko inasahang mangyari pero nagyari at higit kong ipinagpapasalamat.

Swerte nga siguro ako ngayong taon na ito, dahil isang linggo pa lang ang nakakalipas mula ngayon ay dalawang materyal na bagay ang dumating sa akin na hindi ko inasahang mapapasaakin

Una, nakabili ako ng bago kong cellphone. Isang mumunting gadget na lahat ay pupwede kong gawin mula sa text at tawag at sa kung anu ano pang cool na features ng gadget na ito na wala sa ibang unit o brand

Pangalawa ay ang pagkakaroon ko ng slim na psp na hindi ko naman inaasahan.Hindi ko hiniling ang bagay na ito, hindi kagaya ng bago kong cellphone na binili, ngunit ito ay ipinagkaloob sa akin. Isang gadget na nakakatulong din sa pagpapalipas ng oras pag walang ginagawa.

Pero maliban sa mga materyal na bagay na sumalubong sa akin sa unang buwan pa lang ng 2008 ay higit kong ipinagpapasalamat ang biyaya ng buhay na ipinagkaloob sa akin. Buhay na puno ng sorpresa. Mga sopresa na maaring makapagbigay kasiyahn o kalungkutan. Ngunit higit ano pa man ang mga sorpresang ito ang muli’t muli ay nagpapaalala sa akin na ng buhay ay biyaya ng Diyos na dapat ipagpasalamat. Dahil kung wala ang biyayang ito ay hindi ko mararanasan ang pagharap ko sa mga sorpresa ng buhay na nakakapag-padagdag ng kulay sa buhay ko.

Ang buhay nga naman ay isang paglalakbay na puno ng sorpresa.  At habang patuloy ang paglalakbay na ito ay patuloy din ang pagbubukas natin sa mga kahon ng buhay na naglalaman ng iba’t ibang sorpresa. ;)

 

 


Posted by ihidemyself at 12:57 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment