Naranasan mo na bang makaramdam ng lungkot pero hindi mo alam ang dahilan? Ok, siguro alam mo nga yung dahilan pero ayaw mo lang aminin sa sarili mo na yun nga ang dahilan kung bakit ka malungkot. O baka naman dahil sa trip mo lang malungkot. E bakit ka nga kasi malungkot? Ah ewan basta ang alam ko nalulungkot ang isang tao minsan sa mga dahilang hindi maipaliwanag.
Malungkot ka kasi pakiramdam mo parang may kulang? E ano naman yung kulang na yun? Hinanap mo na ba? O baka naman hindi mo mahanap kasi hindi mo naman alam kung anong hinahanap mo. Tsaka isa pa, san mo naman hahanapin ang kulang na yun na hindi mo naman alam kung nasaan kasi una sa lahat hindi mo alam kung ano yun. Ewan ko, minsan kasi hindi kuntento ang tao sa mga bagay na meron siya kaya patuloy ang paghahanap sa mga bagay bagay at patuloy na nakakaramdam ng kakulangan.
Hayaan mo na lang lumipas yan. Mawawala din yang lungkot at paghahanap mo. Isipin mo na lang isa ito sa mga araw na pakiramdam mo mayroong hindi tama. Wag mo na lang isipin ang mga bagay na hindi naman mahahanapan ng sagot. Dahil kung patuloy kang ganyan, patuloy kang magiging malungkot at patuloy ang paghahanap sa bagay na hindi mo naman alam kung ano.
Bukas, ibang araw na naman. Malay mo bukas nakangiti at masaya ka na uli.
Isipin mo na lang na maaaring bukas mas maliwanag ang sikat ng araw, mas matingkad ang kulay ng kapaligiran at mas kalmado ang mga alon sa dalampasigan.
Haaay…
nagising ako dun sa comment mo a. tnx yael! you’re right! maybe i should just focus sa mga bagay na gusto kong gawin at hindi sa mga nararapat kong gawin. now, i’ll start thinking where to begin. hmmmm
kung ano ang nasa puso mo, sundin mo.. madalas, un ang nakakapagpasaya sa atin..
minsan talaga nalulungkot tayo nang hindi natin alam kung bakit. madalas mangyari sa akin yan, ewan ko nga rin ba..
minsan, nasa harap na pala natin ung makapagpapasaya sa atin, tumitingin pa tau sa malayo.. =)
Posted by karmi at February 29, 2008, 5:49 amsalamat sa payo karmi.
minsan lang kasi natatakot din akong gawin kung ano ang nasa puso ko lalo na pag alam kong pag ginawa ko ang gusto nito ay may masasaktang ibang tao. kaya dun na pumapasok yung pagiisip kung gagawin ko ba ang gusto ng puso ko pero may masasaktan akong iba o patuloy akong magtitiis na hindi gawin ang gusto ng puso ko para lang makaiwas na may masaktang ibang tao.
Posted by ihidemyself at February 29, 2008, 10:42 pmactually ganyan din ako. hindi ko maamin sa sarili ko ang dahilan kung bakit ako malungkot
Again, Yods. It is only YOU. I know what you’re saying. The “conflict”. Ganyan din ang pananaw ko dati, kaya alam ko ang sinasabi mo.
I know that you are a very kind person. But I think you’re a ‘lil bit selfish. Not to other people, but to yourself. You’re selfish to the one that matters most in your life. YOU. Yods. Our true objective in our lives is to be happy. Seriously. Oo nga, napapasaya mo nga ang isang tao o mahal sa buhay. Pero ikaw ba, masaya ka ba? They are happy. How about you? We only live once. Our time is now. Now choose. Live in happiness or live all you’re life in misery. Again, it is you’re choice. It is only YOU. Every bit of it, YOU… langya! comment blog part 2! Hahaha!
hmmm. may point ka. syempre, di ka naman magiging tuluyang masaya kung makakasakit ka naman ng ibang tao in the process.
pero kung lagi mong iisipin ang ibang tao, pano ka sasaya talaga? hirap noh? hehe.
yaan mo, mabibigyan din ng sagot ang mga katanungan mo.. =)
Posted by karmi at March 3, 2008, 7:15 pm@mia- pareho pla tayong may pagka in denial sa mga nagiging dahilan kung bakit tayo nakakaramdam ng lugkot. hirap nun no? yung alam mong yun ang dahilam pero sinasabi mo pa din sa sarili mo na hindi yun ang dahilan. apir!
@yael- tnx again yael. parang suntok uli sa kin yun a.nagising ako uli.
i really need to hear those words once in a while para matauhan ako. you are right, maybe i’m a little bit selfish to myself. maybe it is about time that i start thinking and focusing on the things that can truly make me happy besides this is my life and i think i should just live it the way i want it and not the way that others want me to live it. i agree, i only get to enjoy this life once so i might better choose doing the things that can make myself happy. it is time to take that courage and do the things that my heart desires. whew! tnx a lot!:)
@karmi- mahirap talaga, pero siguro nga masyado lang ako nag-aalala sa mga bagay na sasabihin o mararamdaman ng ibang tao. siguro masyado lang ako nagiging sunud sunuran sa mga bagay na dapat kong gawin para sa kanila to the point na hindi ko na nagagawa yung mga bagay ng gusto ko talgang gawin dahil masyado ako nag-aalala sa mga ibang tao imbes na sarili kong kasiyahan ang intindihin ko. tnx karmi!
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Malungkot ka dahil pinili mo maging malungkot. Malungkot ka kasi di mo talaga gusto ang ginagawa mo ngayon. Dahil kung gusto mo talaga ang ginagawa mo ngayon, dapat masaya ka. Gusto mong mawala ang lungkot mo? Gawin mo ang “gusto” mong gawin talaga at huwag ang “dapat” mong gawin. Mag-focus ka lang palagi dun sa talagang “gusto” mo at sinisigurado kong mas sasaya ang buhay mo. Walang sinuman ang makakapag-pasaya sayo kundi ang sarili mo. It’s your choice. It is only you… Baw! Langya, nag-blog na ako dito sa comments ah! Hahaha!
Posted by YAEL at February 26, 2008, 6:42 pm