“I do my thing and you do yours. I am not in this world to live up to your expectations, and you are not in this world to live up to mine. You are you and I am I..." (Frederick Perls)


Home » Post Item » Paano ba maging Manhid?

Paano ba maging Manhid?

Wednesday, March 5, 2008

Sana manhid na lang ako. Yung tipong wala ng nararamdaman. Yun bang hindi na nasasaktan para wala ng dahilan para umiyak. Nakakasawa din kasi pag lagi ka na lang may nararamdaman na para bang hindi tama. Yung tipong hindi mo alam kung anong gagawin mo.

Bakit kaya pag nagmahal  ka hindi maiwasang hindi ka rin masaktan? Kakambal ba talaga ng pagmamahal ang sakit? Hindi ba pwedeng puro pagmamahal na lang at wala ng sakit? Bakit pag nagmahal ka ng sobra sobra din ang kapalit nitong sakit? Bakit?

 Sana manhid na lang ako para hindi na ko marunong magmahal para hindi na ko nasasaktan. 

Haaay! Emo mode na naman si Yods. Kulang na lang maglaslas ako ng pulso. Pero  hindi ko gagawin yun, kasi masakit yun at hindi ako manhid para hindi maramdaman ang sakit nun.

Alam mo kaya na nasasaktan ako ngayon dahil sa yo? Hindi mo alam. Kasi hindi mo alam kung anong dahilan e. Wag ka mag-alala, naniniwala pa rin naman ako na mahal mo ako. Wag ka mag-alala dahil hanggat kaya ko, tutuparin ko pa rin mga pangako ko sa yo.  Hindi pa rin ako bibitaw. Hindi pa rin ako aalis. Dito lang ako hanggang maging manhid na ng tuluyan ang buo kong pagkatao.

 

 

emo


Posted by ihidemyself at 5:45 pm | permalink

Previous Comments

pain and falling inlove usually comes in a package-deal form..

Posted by churvah at March 5, 2008, 7:28 pm

“Sana manhid na lang ako para hindi na ko marunong magmahal para hindi na ko nasasaktan. ”

Mahirap yan Idol… Sa kabila ng sakit na naidudulot ng pag-ibig, mas “masarap” paring magmahal at mahalin kaysa maging manhid… alam ko naman na alam mo yan… hehehe… hindi po ako nagmamarunong… Ako nga sanay na… nasanay sa “Sakit” … Kapag nasasanay ka namamahid ka na rin…Siguro…. siguro nga manhid na ako…

Inoman na lang tayo Idol!

Posted by Bren at March 5, 2008, 8:01 pm

@churvah- exactly. that’s why when we fall in love we should also prepare ourselves na masaktan. and it’s hard… it’s hard to love and get hurt at the same time… :(

@bren- siguro nga kelangan ko na lang sanayin ang sarili ko na masaktan para mamanhid na rin ako. nakakalungkot lang na kung sino pa yung taong mahal mo yun ang makakasakit sa yo ng sobra. :( sige daan na lang natin sa inom to. :)

Posted by ihidemyself at March 6, 2008, 7:48 am

yes, its really hard to love ang get hurt at the same time..pero alm naman ntin na hindi lging pula ang kulay ng pag-ibig..hindi lging nasa cloud nine ang feeling pag inlove..i’ve been tru a lot of pain too…and like bren said..sanay na rin aq sa pain..(nkakasanayan rin pla un?..^__~) asa wat i always said to my friends..”when im in pain, i dont fight it, instead, i feel it..til it hurts no more”

but despite of all these pakingsyets..masarap pa ring maonlove..hehehe! aminin mo…lolz!

Posted by churvah at March 6, 2008, 10:00 am

Alam mo, pagnasaktan ka ibig sabihin nun, nagmahal ka talaga.
Ang pagkakaalam ko, ganun talaga. Hindi ka pwedeng magmahal ng hindi nasasaktan.
Nakakalungkot nga lang.. =(

Kaso, pag naging manhid ka naman, baka pati ang magmahal eh hindi mo naren maramdaman..

(ay josko nakakadala ‘tong entry mo na ‘to. go lang ng go! mahal lang ng mahal. eventually, may magbabalik din ng pagmamahal sayo. siguro tumatayming ka lang sa maling oras at maling tao. kaya mo yan =)
Ayun napadaan lang at nagbasa ng bagong entries hehe
ingat! )

Posted by janelleregina at March 6, 2008, 4:53 pm

di na nga ata maiaalis na masaktan ka kapag nagmamahal.. oo, kahit ayaw natin, kakambal na ng love ang pain..

maglaslas ka dyan. kutos! oo, masakit un.. saka kapag ginawa mo un, lalabas ung kanin na kinain mo.. hehehe.. ^_^

Posted by karmi at March 7, 2008, 4:35 am

Oo nga, pansin ko “Emo” mode ka na naman. Title pa lang eh! Hehehe… Wala naman akong magagawa kung gusto mo talagang mag-focus sa pagka-emo. Hehe! Besides that’s the essence of being “Emo”. Suffering and sadness. :) At Oo, tama ka. Masakit maglaslas ng pulso. :) No offense, Yods. But everytime I visit you’re blog, I always expect to read about “Emo” stuff. Wala lang. Kasi yung theme at design ng blog mo, “Emo”. Kaya siguro madalas ka mag-blog ng emotional o malulungkot na bagay kasi pag-tingin mo pa lang sa blog mo malungkot na ang dating. Kaya siguro everytime you visit this blog of yours it reminds you of sad things. Then you tend to think about sad stuff and then you write about them here in you’re blog. Hanggang sa you feel totally sad na talaga. :) Hehe! Sleuth ko lang naman yun. If it’s really you’re style and you’re really happy with the “Emo” thing, then just continue doing it.(That’s funny, ‘be HAPPY with the EMO thing’… hehe! Wla lang)… WHAT YOU ‘THINK’ IS WHAT YOU ‘GET’ - www.yaelagbayani.i.ph ;)

Posted by YAEL at March 7, 2008, 6:14 am

Have you read your blog entries, Yods? Go over them and try to just read them again. Look at what you’re writing about. At mapapansin mo na palaging may bahid ng kalungkutan, kaya siguro you always feel sad and “Emo”. Ano? Napansin mo ba? Ako napansin ko… :) Hehe!

Ok, Yods. What do you REALLY WANT? What are the things that will REALLY make you as in 110% HAPPY? CLEAR YOUR MIND right this very moment and THINK of only the things that you REALLY WANT. I’m serious. Really, do that right now. Clear your mind and ONLY THINK of the things that will really make you feel like a MILLION BUCKS. Only focus on these “HAPPY” thoughts. Free yourself from the THOUGHTS that always makes you feel like sh*t. Basta, ignore mo lang yung mga sh*tty thoughts na yun. Don’t think about them. Don’t talk about it. Don’t write or blog about it. Start doing that from now on. Don’t and never doubt about this. Trust me. Try mo, Yods. This will NEVER hurt like sa paglaslas ng pulso.

Start by THINKING about the things that makes you HAPPY, HIGH, or makes you FEEL INSPIRED. Focus on that. Then start talking about it. Start to write or blog about it. And I think you should change that sad image on your header image up there dito sa blog mo, ayun oh yung black ang white na malungkot na tao. Ikaw ba yun? :) Eun, change it for something na will remind you to think of the stuff that you really LIKE and WANT.(Makiaalam ba ng header image… haha :D )… yan na muna siguro ang gawin mo sa ngayon at mashado nang mahaba ang comment ko. Haha! Comment pa ba ‘to? :)

Posted by YAEL at March 7, 2008, 7:25 am

@churvah-i totally agree with you churvah. hindi nga naman laging nasa cloud nine ang feeling ng in love. hindi naman parating pwedeng masaya na lang dahil hindi rin naman ganun ang love. siguro nga when we fall in love dapat handa tayo hindi lang para sa pagmamahal kundi para sa sakit na maari nating maranasan dahil sa pagmamahal. pero sa kahit anong anggulo man tignan, gaya ng sinabi mo, masarap pa rin magmahal. :)

@janelleregina- ganun nga siguro ang pagmamahal. sabagay sabi nga ng iba kung gaano kalalim ang sugat ganun din kalalim ang pagmamahal na naramdaman mo. gustuhin man natin o hindi e hindi natin maiiwasan na makramdam ng pagmamahal kahit na minsan maskit ito kasi part na ng buhay natin to. salamat janelle sa pagdaan at sa komento. :)

@karmi- gaya nga ng sabi mo package deal o magkakambal na ang love at pain. ang unfair no? magmamahal ka na nga masasaktan ka pa. kainis! naku parang mas natakot ako dun sa kanin na nalalabas pag naglaslas ako. masakit nga yun pag kanin ang lumabas. hehe. tsaka don’t worry di naman talaga ako maglalaslas e, kasi kahit pano mahal ko pa rin naman ang buhay ko. :)

@yael- funny, because everytime na maglalagay ka ng comment it feels like i’m being scolded by an older bro. well. something that i consider which is good though. yeah! that’s me on the header image.and isa sa mga fave pic ko kasi yan kaya yan nilagay ko.
ahmmm. actually, this blog is really intended for emotional stuff. i mean i needed an outlet to express all those emotions that i feel that’s why i created this blog especially those things that are hard for my mouth to speak but are easier for my hands to write. honestly i’m not gonna be sorry if all my entries are all kinda being emo or something.why? kasi siguro this is just the way that i write or maybe it’s easier for me to write all those emotional stuff about myself or maybe this are just the things that i want to share here in my blog but it doen’t necessarily mean na puro sad ang buhay ko at wala ng saya.
thanks so much for your advice, actually, i appreciate it a lot kasi it’s more of like a help to clear up those things which are hard for me to see. it really sounds like it’s comming from a concern friend and i thank you for that yael.
and maybe, just maybe, i’m not gonna say i promise but i’ll try not to write that often ng entries na may pagka-emo, maybe a once in a while emo entry wouldn’t hurt. how bout that :)

Posted by ihidemyself at March 7, 2008, 10:13 am

Wala lang. Naisip ko lng din na sa actual na buhay mo nga lungkut-lungkot mo na, pati ba naman dito sa blog mo na nagsisilbing escape mo sa kalungkutan? :) Wala lang… sige na nga. Kung masaya ka talaga ng may lungkot. I’ll just let you be. :) Besides, you’re the Micheal Angelo of you’re world naman di ba? :D Hehehe… Eun, musta na kayo ng gelpren mo? :) SANA maging ok kayo lagi. :)

Posted by YAEL at March 7, 2008, 12:14 pm

hi yods..hehehe..feeling close..napadaan lang po ako sa bahay mo..new blogger lang po ako..

bago palang ako at e2 na agad nabasa ko..hindi ko alam kung malulungkot o matutuwa..knowing na hindi lang pala ako ang nag iisang nilalang sa mundo na nakakaranas ng ganito…if u will visit my blog puro ka dramahan din ang laman nun..puro about love! love! love!! at pain pain pain…hehehe..ganun cguro tlga ang love..LOVE = PAIn…pero LOVE + PAIN + SACRIFICE = HAPPINESS..hehehe..may sense ba?? parang wala….

sana mabisita mo din bahay ko…www.riotooth.blogspot.com o kaya diary of a dentist..thanks….=)

Posted by rio ramirez at March 7, 2008, 2:10 pm

@yael- we’re ok na uli. we had a chance to talk about things and about what happened. and the good thing is that we had been so open to talk things ang fix them out. it turned out good naman. and we realized na hindi talaga namin kayang pakawalan ang isa’t isa. everything’s fine again and hopefully wala ng maging problema uli para hindi na uli ako gumawa ng mga post na kagaya nito. sana. hehe

@rio- salamat sa pagdaan tsaka sa comment. sige visit ako sa blog mo. everytime na malungkot ako iniisip ko na lang na hindi naman ako ang pinakamalungkot na tao sa buong mundo, kasi may mas matindi pa ang problema sa kin. i always act brave and strong pag nasasaktan ako pero pag hindi ko na talaga kaya iniiyak ko na lang lahat lahat ng sama ng loob ko hanggang sa sobrang maga na ang mata ko. i agree na love=pain pero love+pain+sacrifice=happiness. part lang talaga ng love ang pain kasi di ba nga pag wala daw pain e hindi talaga love yun. we have no choice but to live with that. :)

Posted by ihidemyself at March 8, 2008, 11:02 am

“i needed an outlet to express all those emotions that i feel that’s why i created this blog especially those things that are hard for my mouth to speak but are easier for my hands to write. honestly i’m not gonna be sorry if all my entries are all kinda being emo or something.”

just wan to qoute..hehehe! its my reason too on why i created my blog sites..sumtimes its really easier to write my emotions than say it aout loud..esp. tah im not that good in confrontation…i get too emotional that i tend to breakdown and cry..kaya i just pour my heart out na lng tru blog..

and oh..mukhang ok na kau ng gf mo..nice to hear! congrats..! my best wishes for a stronger relationship ahead of you two.

Posted by churvah at March 9, 2008, 5:50 pm

matagal na akong manhid. masama ba un?

Posted by abou at March 10, 2008, 8:55 am

@churvah- di ba it feels so good pag nailabas mo sa blog yung mga bagay ng hindi mo kayang sabihin pero kayang kaya mong isulat? nakakagaan din kasi ng loob yun e.
yeah ok na uli kami. salamat. :)

@abou- ahmm. di ko alam kung masama yun. siguro depende sa kung anong klaseng pagkamanhid. :)

Posted by ihidemyself at March 10, 2008, 9:27 am

kumusta? nakakamanhid ba ang lungkot at sakit? hindi yata o hindi pa ako na overdose ng mga ito? ewan… ako nga gusto ko ring maging manhid!

Posted by tochi3 at March 12, 2008, 4:26 pm

nakakamanhid siguro pag nakasanayanan na. para lang yang isang bagay e, yung tipong isang bagay na sanay ka ng andyan tas binabalewala mo na lang. ganun din siguro pag nasasaktan, pag pinukpok ka ng martilyo, sa una masakit pero pag inulit ulit na nakakasanayan na yung sakit at nagiging manhid na. may sense ba? sana meron.

Posted by ihidemyself at March 13, 2008, 8:51 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment