“I do my thing and you do yours. I am not in this world to live up to your expectations, and you are not in this world to live up to mine. You are you and I am I..." (Frederick Perls)


Home » Post Item » Hangover

Hangover

Monday, March 10, 2008

Kakagising ko lang mula sa isang maganda at mahabang pagkakatulog. Nitong nakaraang weekend halos kulang kulang apat na oras lang tulog ko sa dalawang araw na magkasunod dahil dalawang gabi din akong nakipag-inuman sa mga kaibigan.

Friday night, pumunta akong shangrila para makipagtagpo sa mga kaibigan. Andun na sila habang inaantay akong dumating. Sabi ko baka hindi ako makasunod agad kasi magbabayad pa ako ng bill at inantay naman nila ako. Pagdating ko sa lugar na pinagiinuman nila binigyan agad ako ng beer. Ng maubos ko ito nadagdagan pa ito ng isa pang bote at ng isa pa. Nakatatlong bote din ako. Hindi pa ako lasing. Ok pa naman ako. Hindi naman talaga ako nalalasing sa tatlong bote ng san mig light kaya parang medyo bitin pa. hehe

Inaya ako ng isang kaibigan na ituloy na lang namin ang inuman namin  sa kanila, sumama naman ako. Sa bahay nila uminom pa kami hanggang sa alas tres ng umaga. Red Horse naman ininom namin. Dun na ko natulog sa kanila. Pagsikat ng araw gising na ako, kailangan ko ng umuwi kasi birthday ng utol ko at kailangan ko pang bumili ng ipinangako ko sa kanyang cake.  Sabi ko, sa bahay ko na lang itutuloy ang tulog ko.

Pag-uwi ko hindi rin ako nakatulog, sa halip humarap na lang ako sa computer, naglibot sa blog, nanood ng mga pelikula at nag-surf ng kung anu ano.  Paminsan minsan nakakaidlip ng hindi tumatagal ng sampung minuto.

Saturday nga pala, may mahalagang pagtitipon na naman ang tropa. Mahalaga ito kasi magiinuman kami. Mahalaga ang alak hindi ito dapat palampasin. Sayang e. Umalis ako ng bahay kahit birthday ng utol ko, tutal gabi naman na tsaka hindi naman ako aayain nito makipaginuman at isa pa tapos na rin naman ang handaan. hehe  

Nagkita kita ang tropa. Buong gabi inuman, kwentuhan, inuman, tawanan, inuman, asaran, inuman, kwentuhan inuman, inuman, inuman…

Magdamag na ganun. Pakiramdam ko nung mga oras na yun napalitan na ng Red Horse ang dugo na dumadaloy sa katawan ko.  Nagdodoble na paningin ko. Hindi ko na kaya. Buti naubos na lahat ng alak sa lamesang pinagiinuman namin bago pa man ako umayaw at sumuko. 

Kahapon, tanghali na ng makauwi ako. Maghapon na masakit ang ulo ko, pakiramdam ko lumulutang ang buo kong katawan.  Nahihilo pa rin ako dahil sa magdamag na inuman sa gabing lumipas. Gusto kong matulog, gusto  ng matulog na katawan ko paghiga ko sa kama, pero ayaw akong patulugin ng utak ko.  Hinayaan ko lang na ganun, naghanap na lang ako ng kung anong mapaglilibangan dito sa bahay. Gabi na ng sumang-ayon sa isa’t isa ang katawan at utak ko at pinatulog na din ako. Mas maaga kesa sa nakasanayan kong oras ng pagtulog.

Kailangan ko yun. Kailangan ko ng mahabang tulog para mawala ang hangover ko. Mahigit 12 hours din akong tulog. Paggising ko kanina, ok na ok na ako. Nawala na ang hangover ko. Salamat naman.

xXx 

Noong sabado, bago ako nakipaginuman sa tropa, lumabas muna kami ng aking pinakamamahal. Nagpasya kaming magmall muna. Sa hindi inaasahang pagkakataon nasalubong namin ang ex ko. Ang awkward talaga ng pakiramdam na ganun.It feels really awkward para sa akin yung mga tagpong ganun. The past meets the present ang drama. 

Naglalakad kami ng aking pinakamamahal ng may pamilyar na mukha na papasalubong sa amin. Ex ko pla yun. Nakatitig sa akin, sa amin.Mag-isa lang siya habang naglalakad. Nag-hello siya sabay ngumiti. Nag-hello din ako at gumanti ng ngiti. Ganun lang ka-casual ang tagpong yun. Nagkasalubong, naghello at nagngitian sa isa’t isa sabay patuloy ng lakad palayo sa isa’t isa.

Sa aksidenteng pagsasalubong na yun, nagkaroon ng pagkakataon na nagkatinginan kami sa mata ng isa’t isa. May nakita ako sa mga mata niya na hindi ko kayang ipaliwanag. At dahil dun hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng lungkot.

Di ba nakakalungkot naman talaga pag yung isang tao na kasama mo dati ay makikita ka niya kasama ang tao sa iyong kasalukuyan? Isipin mo ito, magisa ka nakasalubong mo ang ex mo kasama ang taong mahal niya ngayon, ano ang mararamdaman mo? O kaya baliktarin natin ang pangyayari, kasama mo ang taong mahal mo ngayon at bigla mong nakasalubong yung taong mahal mo dati na siya lang mag-isa, ano kayang mararamdaman mo? Makakaramdam ka din kaya ng lungkot kagaya ng naramdaman ko ng nasalubong namin siya? 

Balita ko mula sa isang kaibigan, single pa rin siya hanggang ngayon, mula nung nagkahiwalay kami.

Posible kayang  hanggang ngayon ay may hangover pa rin ako sa ex ko kaya nagawa kong malungkot ng masalubong namin siyang mag-isa?

xXx

 Ang alak pag nasosobrahan, panigurado may hangover ka kinabukasan, lalo na kung hindi ka pa nakakabawi na tulog. Masakit sa ulo, nakakahilo.

Ang relasyon pag nawala na nagkakaron ka rin na hangover. Umiiyak ka, nalulungkot ka, masakit sa puso. Tumatagal yun hanggang sa humilom na uli ang sugat sa puso mo.

Ang alak parang pagmamahal din yan. Ang alak alam mong malalasing ka pag nasobrahan, alam mong mahihilo ka, maaring masuka, pasasakitin nito ang ulo mo pero patuloy ka pa ring umiinom at umuulit na uminom ng alak. Bakit? Kasi masarap e. Pag nagmahal ka, walang kasiguraduhan na hindi ka masasaktan, walang kasiguraduhan na hindi mawawala yung taong mahal mo. Maari kang masaktan at umiyak dahil sa pagmamahal pero patuloy pa rin tayong nagmamahal kasi masarap sa pakiramdam ang magmahal at mahalin.

Pagkatapos ng inuman masakit ang ulo, pagkatapos ng relasyon masakit sa puso. Pareho mong kinakailangan ng pahinga, ng sapat na pahinga para makabawi uli ng lakas.

Gaya ko, ng magkahiwalay kami ng ex ko, durog na durog ang puso ko nun. May mga panahon nun na gusto ko na lang matulog ng mahaba para mawala siya sa isip ko, pero ayaw akong patulugin ng utak ko sa kakaisip sa kanya. Madami akong pinagdaanan nun, ilang beses umiyak dahil sa pagkakahiwaly namin, pero hinayaan ko na lang na ganun hanggang sa naging ok na ako, nakabawi na ng lakas ang puso ko, unti unting nawala ang hangover ko sa break-up namin at hanggang sa muling naging handa uli ang puso ko para sa bagong pag-ibig.

Ang alak masama sa katawan pag nasobrahan, ang pagmamahal masama sa puso pag nasaktan ito pero patuloy pa rin nating itong ginagawa. Bakit? Kasi sobrang sarap sa pakiramdam paggising natin kinabukasan na wala na ang hangover natin.

 
 
 
     

Posted by ihidemyself at 10:06 am | permalink

Previous Comments

pano ko ba sisimulan itong comment ko. alak at pag-ibig kasi eh. hehe

namimiss ko na ring makipaginuman sa barkada ko. miss ko na ang red horse tapos san mig light na panghugas. di rin ako nahihilo sa 3 bote ng san mig. ten bits talaga un.

dati un, pero ngayon di na ako nakakainom. paguwi ko ng Pinas sa June, malamang makakainom ulit. excited na akong umuwi! haha.

wow, awkward talaga yan. naranasan ko na yan eh. at ako ung ex. hmmm, cguro, ok naman ung paghihiwalay nyo, kasi binati ka nya. ako, di ko sya binati. di ko nga sila pinansin.

alak at pag-ibig. oo tama ka, mahirap kapag sobra, dahil sakit sa puso at ulo lang ang dala nito. pero kung makulit kang batang tulad ko, ala nang wenta ang sakit. hehe. manhid na. lol

Posted by karmi at March 10, 2008, 4:54 pm

nalungkot naman ako sa kwentong ex mo.
good thing you’re sensitive enough to feel her.

bihira nalang yan.

Posted by Leyn ♥ at March 10, 2008, 9:44 pm

Ano ang nakita mo sa mata ng ex mo?… maganda ba ang mata niya? maganda ba ang ngiti niya? Siguro maganda. Siguro ang ganda niya. Hehe! :) Wala lang…

Ang alak ay masarap. Masarap ulit-ulitin. Kahit pa alam natin na masakit na hang-over ang kahahantungan eh OKs na OKs lang sa atin. Masarap ulitin ng madaming beses dahil TANGGAP natin ang SAKIT…

…Napakasarap umibig. Kaso minsan di natin maTANGGAP ang SAKIT. Kaya minsan, masmadali at masmasarap talagang mag-mahal ng alak… kasi masTANGGAP natin ang SARAP at ang SAKIT na dulot nito. Ano sa tingin mo?… SHOT PA! :D LOL.

Posted by YAEL at March 11, 2008, 12:26 am

@karmi- uhmm. oo, parang ok naman yung paghihiwalay namin. siguro nagpakamature na lang kami na pansinin ang isa’t isa kasi kahit pano may pinagsamahan din kami ng matagal. tsaka siguro masaya na din siya para sa akin gaya ng sabi namin sa isa’t isa nun na hangad namin ang kaligayahan ng bawat isa. ako man kung sakaling ako yung nasa posisyon niya mahirap din para sa kin na pansinin ang ex ko pag nakita kong may kasama ng iba. kaya nga napahanga ako sa ginawa niyang yun. pero nalungkot talaga at awkward yung tagpong yun.

panigurado baha ang alak paguwi mo. mukang mapapaaga oktoberfest paguwi mo a. hehe

@leyn- kitang kita kasi sa mata niya e. nakakalungkot pero kailangan namin magmove on. may ibang buhay na kasi kami ngayon e.

@yael- more than 3 years din kami nagsama. sa 3 years na yun sobrang kilala ko na siya. mula galaw, salita at tingin ng mga mata. oo nakangiti nga siya nung nasalubong niya kami, pero sa mga mata niya may nakatagong lungkot.kaya nung nasalubong at binati niya kami, pinaghalong lungkot at saya ang naramdaman ko. masaya kasi pinansin niya ako at nginitian niya ko. god! i miss those smiles, pero malungkot dahil iba ang mga nasa mata niya kahit na nakangiti siya.

tama ka, ang sakit ng alak tumatagal lang ng magdamag tas papahinga lang mawawala na pero sa pag-ibig ang sakit nito tumatagal ng buwan, minsan taon pa nga.

Posted by ihidemyself at March 11, 2008, 1:27 pm

hala!
at my kwentong ex din pala d2..what with ex’s now a days huh?lolz!

sana lng ang hangover sa pag-ibig kayang mawala overnight..or sa isang tasa ng black coffee…or sa 12 hours na tulog.

awkward nga ung feeling na mgkita kau ni ex tpos my kasama na siyang iba…

Posted by churvah at March 11, 2008, 1:39 pm

@churvah- siya yung nakakita sa akin na may kasama ng iba. hehe. awkward talaga yun.

kaya nga e, sana nga overnight lang yung hangover ng pag-ibig, kaso matagal ang epekto nun e. masakit pa at hindi madali. hehe :)

Posted by ihidemyself at March 11, 2008, 3:42 pm

Ano ba to. Ex-boyfriends/girlfriends month?? Kakalokaaaaa. Ang kakalungkot at the same time. Iba talaga ang mga ex kapag ex na lang sila.. =(

gets mo ba? hahahah sorry ang labo :| :) )

Posted by janelleregina at March 11, 2008, 6:59 pm

hindi ko pa nararanasan makita ang ex ko na may kasamang iba …whew!! baka makaubos ako ng isang truck ng san mig light pag nangyari yun..lol!

hay!!!….ang lungkot naman nito!! hang over sa alak at hang over sa puso!!…

sana next time na magkita kayo ni ex iba na ang makikita mo sa kanyang mga mata…para hindi ka na nakakaramdam ng ganyan….=)

Posted by rio at March 11, 2008, 9:26 pm

@janelle- haha. baka may hangover pa ng valentine’s kaya madami pang nagpopost ng mga kwentong ex at kwentong pag-ibig.
oo gets ko ibig mong sabihin, na iba na talaga ang ex kapag ex na lang. part na lang sila ng kahapon at alala na lang ang naguugnay sa atin sa kanila.

@rio- sana nga next time masaya na rin siya pag nagkita uli kami para indi na ko makaramdam na lungkot. kakaguilty kasi yun, yung nakita at alam niyang masaya ka na kasama ang iba tapos siya magisa lang.

Posted by ihidemyself at March 12, 2008, 12:48 pm

I love that you write your entire post in tagalog. wow. :P And I love your playlist… is it fairly easy to add it? ’cause I’ve been wanting to add one to my blog, but I haven’t got the time to mess with it.
wanna exchange links?

Posted by Kathryn at March 19, 2008, 10:30 am

masarap talaga ang hangover sa buhay! hahaha!

Posted by janus at April 7, 2008, 12:39 pm

@ihidemyself : nice one. :)

ang galing ng pagcompare mo ng pagibig sa nakalalangong alak. tama lahat ng sinabi mo, at nagaagree ako jan.

ang alak kahit nilalasing ka patuloy ka paring iinom, ganun din ang pagmamahal kahit anong sakit ang idinulot eh iibig at iibig ka parin ng paulit ulit. bow.

si ferbert ang naglagay ng link mo sa site nya kaya nabisita ko ito :)

Posted by popoy at April 7, 2008, 12:53 pm

isang malaki, malutong at solid na sigh! hindi ko alam ang sasabihin ko…ang lungkot eh

Posted by wanderer at April 8, 2008, 12:10 pm

putangina ayoko talaga ng ex’s. i mean, ayoko ng ex’s. tangina yun. ayoko magka-ex. ayoko talaga.

Posted by MirrahGanda at April 11, 2008, 11:33 pm

@kathryn- salamat at naibigan niyo ang blog ko. madali lang yung playlist. turo ko sa yo. sige ba xlinks tayo. ;)

@janus- masrap ng ang hangover pero minsan nakakasuka. lol

@popoy- salamat po sa pagbisita.

@mirrahganda- isa lang ang solusyon diyan. wag makipagrelasyon para hindi magkaroon na ex. :D

Posted by ihidemyself at April 12, 2008, 1:51 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment