Sana manhid na lang ako. Yung tipong wala ng nararamdaman. Yun bang hindi na nasasaktan para wala ng dahilan para umiyak. Nakakasawa din kasi pag lagi ka na lang may nararamdaman na para bang hindi tama. Yung tipong hindi mo alam kung anong gagawin mo.
Bakit kaya pag nagmahal ka hindi maiwasang hindi ka rin masaktan? Kakambal ba talaga ng pagmamahal ang sakit? Hindi ba pwedeng puro pagmamahal na lang at wala ng sakit? Bakit pag nagmahal ka ng sobra sobra din ang kapalit nitong sakit? Bakit?
Sana manhid na lang ako para hindi na ko marunong magmahal para hindi na ko nasasaktan.
Haaay! Emo mode na naman si Yods. Kulang na lang maglaslas ako ng pulso. Pero hindi ko gagawin yun, kasi masakit yun at hindi ako manhid para hindi maramdaman ang sakit nun.
Alam mo kaya na nasasaktan ako ngayon dahil sa yo? Hindi mo alam. Kasi hindi mo alam kung anong dahilan e. Wag ka mag-alala, naniniwala pa rin naman ako na mahal mo ako. Wag ka mag-alala dahil hanggat kaya ko, tutuparin ko pa rin mga pangako ko sa yo. Hindi pa rin ako bibitaw. Hindi pa rin ako aalis. Dito lang ako hanggang maging manhid na ng tuluyan ang buo kong pagkatao.
