Umpisa na naman ng botohan para sa 100 Sexiest Women ng FHM Philippines. Kaya naman noong nalaman kong bukas na ang botohan ay agad akong bumoto. Dalawang araw ko ng binoboto ang top 10 choices ko. At siyempre dahil solid kapamilya ako ay puro kapamilya lang pinili ko. wehehe. Boto ko yun kaya may karapatan akong mamili ng gusto ko. Siyempre pa hindi nawawala sa listahan ko ang aking ultimate crush na si KC Concepcion. Kaya kung ikaw may balak kang bumoto sa 100 Sexiest wag mo siyang kakalimutang isama sa listahan mo ah.ahmpt!
Ano pang hinihintay mo? Vote na!
