I’m hella back fellas!!!
Whew! Tagal ko na din palang hindi nakakapagpost. Isang buwan na mula noong huling post ko. Inamag na ata tong blog ko. Pati yung post ko sa twitter nilanggam na din.
Muka ng haunted house sa dami ng sapot tong blog ko a. Napaaga ang halloween.tsk tsk tsk.
Kamusta naman kayo diyan mga giliw kong bisita at kaibigan dito sa blog? Sana naman ok lang kayo lahat.
Marahil ay tatanungin niyo kung saan nga ba ako nagsususuot at matagal akong hindi nakapagblog. Aminin mo, yun ang itatanong mo no? (Assuming?! lol)
Hmmm. Saan nga ba ako napunta? Kinidnap ng alien? Nawalan ng malay dahil sa sobrang lango sa alak? Sumakay at bumiyahe sa sasakyan na puro deretso lang at bawal ang u turn kaya hindi ako nakabalik agad? Natrap sa island at tanging si Wilson lang na bola ang kausap? Natunaw na parang yelo dahil sa tindi ng sikat ng araw at sa sobrang init?
Ah basta, saan man ako napunta, ano mang nagyari sa akin, hindi na importante yun. Ang mahalaga ay nakabalik na naman ang emoterong, lasinggerong ogag na saksakan sa pagka hopeless romantic. awts!
Aren’t you glad that I’m back? Kasi ako super glad! Napapatumbling pa ako sa tuwa. Yipeee!