Kanina inisip ko kung buburahin ko na ba tong blog ko. Ewan ko ba kung ano pumasok sa utak ko kung bakit ko naisip yun. Muntik ko ng burahin to. Isang pindutan na lang burado na. Isang pindot na lang paalam na ko sa blog world. Pero nagbago isip ko, pag-iisipan ko muna. Kaya naman minabuti ko na lang baguhin anyo ng blog ko. Baka sakaling magbago plano ko, baka sakaling magbago isip ko na burahin to.
Naisip ko ding maglipat bahay na lang. Baka pag may bagong bahay na ko hindi ko naisipang mamaalam sa blog world. Gumagawa na ko kanina sa lilipatan ko. Isang pindot na lang ayos na. Kaso hindi ko na naman tinuloy. Nagbago na naman isip ko. Kasi naisip ko pano kung lumipat nga ako tapos maisipan ko na namang burahin, e di bale wala lang paglipat ko.
Year 2004 pa ng ginawa ko ang una kong blog. Hindi ko rin napanatili pag-update nun. Nakalimutan ko na password nun, nakalimutan ko na din title. Naka-apat na gawa na ko ng blog mula noon, pero ito, pang-limang blog ko, ito lang ang nabigyan ko ng buhay. Ito lang ang napanatili kong buhay hanggang ngayon. Kaya manghihinayang din ako kung buburahin ko to.
Lilipat na lang siguro ako ng bahay, o kaya pwedeng dito na lang muna ako, o kaya hiatus muna uli ako. Kaso pag naghiatus ako dalawang bagay lang maaring mangyari. Pwedeng bumalik ako agad kasi mamimiss ko tong blog ko o kaya naman maaring hindi na ko bumalik. Depende sa kung anong magiging pasya ko.
Haay! Marahil epekto lamang ito ng tatlong oras lang ang tulog. Hindi maiayos ang utak para magdesisyon. Sa ngayon eto munang bagong anyo ng blog ko gagawin ko maaring sa sunod burahin ko na o maaring hindi rin. Ewan! depende na lang yun.
Matutulog muna siguro ako, baka sakaling paggising ko mamaya at nakapagpahinga na ng maayos ay makapagdesisyon na din ako ng maayos.