Kanina inisip ko kung buburahin ko na ba tong blog ko. Ewan ko ba kung ano pumasok sa utak ko kung bakit ko naisip yun. Muntik ko ng burahin to. Isang pindutan na lang burado na. Isang pindot na lang paalam na ko sa blog world. Pero nagbago isip ko, pag-iisipan ko muna. Kaya naman minabuti ko na lang baguhin anyo ng blog ko. Baka sakaling magbago plano ko, baka sakaling magbago isip ko na burahin to.
Naisip ko ding maglipat bahay na lang. Baka pag may bagong bahay na ko hindi ko naisipang mamaalam sa blog world. Gumagawa na ko kanina sa lilipatan ko. Isang pindot na lang ayos na. Kaso hindi ko na naman tinuloy. Nagbago na naman isip ko. Kasi naisip ko pano kung lumipat nga ako tapos maisipan ko na namang burahin, e di bale wala lang paglipat ko.
Year 2004 pa ng ginawa ko ang una kong blog. Hindi ko rin napanatili pag-update nun. Nakalimutan ko na password nun, nakalimutan ko na din title. Naka-apat na gawa na ko ng blog mula noon, pero ito, pang-limang blog ko, ito lang ang nabigyan ko ng buhay. Ito lang ang napanatili kong buhay hanggang ngayon. Kaya manghihinayang din ako kung buburahin ko to.
Lilipat na lang siguro ako ng bahay, o kaya pwedeng dito na lang muna ako, o kaya hiatus muna uli ako. Kaso pag naghiatus ako dalawang bagay lang maaring mangyari. Pwedeng bumalik ako agad kasi mamimiss ko tong blog ko o kaya naman maaring hindi na ko bumalik. Depende sa kung anong magiging pasya ko.
Haay! Marahil epekto lamang ito ng tatlong oras lang ang tulog. Hindi maiayos ang utak para magdesisyon. Sa ngayon eto munang bagong anyo ng blog ko gagawin ko maaring sa sunod burahin ko na o maaring hindi rin. Ewan! depende na lang yun.
Matutulog muna siguro ako, baka sakaling paggising ko mamaya at nakapagpahinga na ng maayos ay makapagdesisyon na din ako ng maayos.
bakit naman buburahin yods?? ngayon nga lang ako nakavisit dito eh buburahin mo na agad? wag mo na burahin, ierase mo na lang joke
cgematulog ka na lang muna at baka magbago pa isip mo okey ??
wee….walang ganunan yods!!..
may problema ba?…
dami mo kaya napapasaya sa blog mo..at isa na ako dun..=) kulang ka lang sa tulog at inom…
cge, slip ka muna at pag gising mo inuman tau…=)
kung sakaling lilipat k man ng bahay…imbitahan mo ako sa haus blessings ha…=) hehehe
Posted by rio at April 14, 2008, 5:07 pmwag. wag mong burahin ‘to. basta. wag…
Posted by Drei at April 14, 2008, 8:29 pmitulog mo lang yan tol.
mga ilang beses ko na ring binalak magbura ng blog at lumipat pero di ko magawa-gawa. mamimiss at mamimiss mo ang blogging.
ok lang maghiatus. pero cguraduhin mong babalik ka! intiendes?!
ingatz po..
Posted by karmi at April 15, 2008, 6:00 pmilang beses ko rin binalak burahin blog ko… nakaktamad, nakakapagod… ginawa ko? ginawa kong private lahat ng posts ko… nung mejo sober na, ibinalik ko rin…
Posted by greks at April 16, 2008, 7:01 pmayos ng new llok. hehe…
uy! wag mo na tong delete at wag ng maglipat! hehe…
pang limang blog ko na rin ang sarili kong domain at wala nako planong maglipat… hehe
Posted by janus at April 18, 2008, 11:25 am@yoshke-
nope! i’m not gonna delete it na. thankfully! haha
@popoy-
nagyon pwede ng paulit ulit visit mo dito kasi hindi ko na delete blog ko. ![]()
@doc rio-
wow! natatsh naman ako dun doc. saya naman malamang may napapasaya akong tao dito sa blog kahit na nagiisa ka lang. salamat! ![]()
@drei-
oo, hindi ko na buburahin. napraning lang ako nun kaya ko naisip yun.(lagi naman akong praning talaga. hehe)
@karmi-
ok na ko karmi. salamat! ![]()
@greks-
sige next time na napraning uli ako gagawin ko na lang private ang posts ko. ![]()
@janus-
hindi ko na didelete. di na rin ako lilipat. matrabaho kasi yun. kakatamad pag lumipat pa. hehe
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
dont you dare delete this blog. haha
Posted by yoshke at April 14, 2008, 1:40 pm