Kagabi may ginawa akong isang bagay na matagal tagal ko na ding hindi nagagawa. Namiss ko talagang gawin yun. Sino ba naman kasing makakatanggi kung talagang natalo ka na ng tukso, wala ng choice kundi pagbigyan ang hilig.
Matagal na mula nung huli kong ginawa to. Tao lang ako. marupok, madaling matalo ng tukso. Dahil sa init ng panahon, para ding magliliyab ang pakiramdam ko. Natalo na ko ng tukso, hindi ko na kaya, bumigay na ko. Eto na. Pumasok na ako. Aaaahhh saraaaap!…
Sarap talaga sa loob ng Starbucks lalo na pag ganitong mainit ang panahon. Malamig kasi sa loob e. Pagpasok mo plang amoy na amoy mo na ang aroma ng masarap na kape. Kaya sino ba namang makakatanggi sa tukso ng masarap na kape na malalanghap mo. Hmmmm sarap talaga.
Pagpasok ko sa loob ramdam ko ang lamig sa buong paligid, deretso agad ako sa kahera. Swerte, wala gaano tao, hindi mahaba ang pila, hindi maingay at makakapili pa ko ng mauupuan sa loob. Pagkakuha ko ng aking paboritong coffee jelly, naghanap ako ng magandang pwesto. Ayun, sa may couch! Ayos malambot mauupuan ko.
Komportableng komportable ang pwesto ko, nawala ang pagod ko, hindi ko na alintana ang init sa labas. Wala akong pakialam kung mainit sa labas, basta sa loob malamig at maayos ang upuan ko. Nakakarelax talaga, pati tugtog nakakarelax din. Feeling sosyal ako syempre kasi nakaupo ako sa pinakamagandang upuan sa loob ng tindahan, syempre nagpapanggap din akong may katext para kunyari busy ako. Kasi lahat ng tao sa loob my kasama, may mga kausap at may mga ginagawa, maliban na lang dun sa isang mama na nakabalandra sa harapan niya ang makakapal na libro. Kaya naman nagpanggap din akong busy. wehehe!
Matagal tagal na din mula noong huli akong nakapagkape na ang tanging kasama ko lang ay ang aking anino. Namiss ko ang pakiramdam na ganito. Yung makapag-isa sa isang kapihan, tahimik lang sa isang sulok na para bang pinapakiramdaman ang buong paligid. Inienjoy ang paghigop sa inumin, ang tugtog, ang amoy ng kape at ang lamig ng hangin na dulot ng air con.Nakakarelax yun, tsaka wala kang kasamang daldal ng daldal sa yo. wehehe. Madalas kasi kapag pumupunta ako sa mga coffee shops lagi akong may kasamang mga kaibigan. Kaya madalas maingay kami.
Natukso lang naman ako kaya din ako aksidenteng napapasok sa starbucks kagabi, mainit kasi kaya sino ba namang hindi matutuksong pumasok sa loob at uminom ng malamig at masarap na inumin. Aaahhhh! refreshing talaga.
Eto ang aking ininom na Coffee Jelly 
ayos na ayos yan yods kapartner ng abalos burjer..hehe=)
hindi ka man lang nag aya mag kape! hmp!=)
@karmi
- oo sarap talaga coffee jelly. nakakahigh. hehe
@doc rio
- oo nga mas masarap sana kung merong kasamang abalos burjer. kaso mahal yun doc e kaya di ko afford yun. wehehe
Masarap talaga yan, parang sex.
Posted by YAEL at April 28, 2008, 6:22 pmlol
yan lang ang trip kong drink sa starbuko. seattle’s parin ako. mas underground at tahimik eh. hehe.
Posted by vera at April 29, 2008, 8:31 amkala ko kung ano…nabitin ako..hehe..dumaan alng at nakibasa…
sarap ng coffee jelly..inggit ako..kaso nag-papalpitate ako sa mamahaling kape eh. pang-nescafe lng cguro ako.hehe.
Posted by kuri at April 29, 2008, 11:29 am@ vera
- hmmm. masarap din dun lalo na yung drinks nila na may kasamang kitkat na chocolate. nakalimutan ko na pangalan nun e. hehe.
@ kuri
- salamat sa pagdaan kuri. pareparehas lang naman lasa ng kape. kaya sa sunod maglalagay na lang ako nescafe sa baso ng sbux. hehe
salamat din parekoy! in-add kita. i hope ayos lang.
Posted by kuri at April 30, 2008, 10:03 amSHET YAEL. Straight to da point maygali. Hahahaha
Yodssss!! Namiss ko bumisita ditoo. Naku. Pasensya na at bigla ko sinara blog ko. Hehe mahahanap mo ren ako..
Isang beses pa lang ako nagcoffee jelly.. Pramis. Palagi kasi hot coffee drinks binibili ko sa Starbucks. Kahit na ngayong summer. Haha Hindi kasi ako nagigising sa malalamig na drinks nila. Sa una lang ako hyper, after nun antok na naman ako. Nyaha
Nawala na yun essence ng kape sa iced coffee. Kaya fan ako ng hot coffee poreber nyahaha
PS Babalik naman ako sa blog mo..
Oyyyy birthday mo na ba? Kelan ba? Uyyyy.. Kelan kelan? Hihi
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
syet. coffee jelly.
hehehe.
sarap talaga..
Posted by karmi at April 25, 2008, 6:18 am