At first I really never expected na I’ll get hooked with this tv show called GOSSIP GIRL. Noong napanood ko trailer niya sa ETC hindi ko masyado nagustuhan. Inisip ko masyado na naman madrama. Kakatapos ko nga lang subaybayan ang kwento ng The OC na madrama na nga taz manonood pa ko ng mukang mas madrama pa. Aminado ako, nagustuhan ko naman talaga ang The OC, I fell in love sa bawat characters ng palabas na yun. Kaya naman hindi ko tinigilan pagsubaybay nun. Marathon talaga ang ginawa kong panonood nun sa dvd.
Tapos my friends, both guys and gals, started talking about this new show, yun nga yung Gossip Girl. Hindi ako makarelate. hindi ko kasi pinapanood e. Inisip ko siguro nga maganda kasi pati mga guy friends ko nagustuhan ang palabas na ito na inakala ko nung una na mga girls lang makaka-appreciate.
Until one day, aksidente kong natiyempuhan ang show na ito sa ETC, pinanood ko, hindi ako makarelate sa kwento, kasi hindi ko naman nasubaybayan ang takbo ng istorya, pinilit kong iniintindi kung anong mga concerns ng mga pag-aaway at mga usapan ng mga characters. Muka ngang maganda kwento nito kahit na medyo nangangapa pa ko.
The following Saturday inabangan ko uli, nakarelate na ko sa takbo ng istorya, alam ko na ang dahilan ng mga usapan at pag-aaway nila, unti unti ko na ding nakilala ang bawat charater ng palabas. Nagkaroon na ko ng mga character na pinapanigan at mga character na kinaiinisan. Hindi ko namamalayan nagustuhan ko na pla ang palabas na ito.
Ngayon meron na kaming kopya sa dvd, mapapanood ko na ang Gossip Girl sa ano mang oras na gusto ko na hindi na ko mag-aantay sa susunod na ipapalabas sa tv. Mas lalo kong nagustuhan at mas lalo akong nakarelate sa kwento kasi naumpisahan ko na. At sa susunod na magiging gossipy uli ang mga kaibigan ko tungkol sa Gossip Girl hindi na ko out of place. wehehe.