“I do my thing and you do yours. I am not in this world to live up to your expectations, and you are not in this world to live up to mine. You are you and I am I..." (Frederick Perls)


Home » Archives » May 2008

Pansamantala Muna Akong Mawawala

Thursday, May 8, 2008

 

Ayoko mang gawin pero wala ng ibang choice kundi mamahinga muna pansamantala. Balak ko pa naman na araw araw sa buong buwan ng Mayo ay may ipopost ako, kaso hindi na natupad yun. Paksyet naman kasi, ngayon pa nasira yung laptop, wala tuloy magamit sa bahay. Ilang araw na nga akong hindi nakakapagblog. Nakakatamad naman kung araw araw akong lalabas ng bahay para lang pumunta sa internet cafe. Haaay! Nakakaasar talaga! Kaya mula ngayon hindi na muna regular ang pagpopost ko dito sa blog. Pag nagkaroon ng pagkakataon na makapaginternet sa labas gaya ngayon, tsaka na lang ako magpopost. Babalik din sa regular ang pagpopost ko pag nagawa na yung pesteng laptop na yun na sa sobrang pagiinarte ay nasira na lang bigla na hindi naman inaano. Hmpt!

Peste peste peste peste talaga! At ngayon dahil hindi na muna ako makakapagpost ng blog entries at makakapagemote dito e magpapakabusy na lang ako sa pagpopose at pageemote sa harapan ng kamera habang kumakanta ng… i’m gonna be a supermodel….

Haay! Paalam muna pansamantala aking pinakamamahal na blog. Hanggang sa muli! :(

*Enter usok effect. Yods slowly fading away… slowly… slowly…. then gone!

Posted by ihidemyself at 2:59 pm | permalink | comments[1]