“I do my thing and you do yours. I am not in this world to live up to your expectations, and you are not in this world to live up to mine. You are you and I am I..." (Frederick Perls)


Home » Archives » 15. June 2008

Nagbabalik

Sunday, June 15, 2008

Tila isang ulap na palutang lutang sa malawak na kalangitan, tinangay sa kung saang lugar na hindi ko alam. Naglayag sa asul na karagatan, nawala sa kalagitnaang walang hanggang tubig ang nakikita. Panandaliang humiwalay ang kaluluwa sa katawang lupa ko malayang tinahak ang daang walang kasiguraduhan kung saan patungo. Nahimlay sa kadiliman na tanging tala lamang sa langit ang nagsilbing ilaw. T umakbo ng matulin, papalayo sa lugar na kinamulatan, tumakbo ng tumakbo, pabilis ng pabilis, walang pagod na naramdaman, ninamnam ang hangin na humahampas sa aking muka at buong katawan. Bigla kong narinig na may tumatawag sa aking pangalan, pinapabalik ako, hindi ako lumingon, sa halip lalo pang binilisan ang pagtakbo palayo. Palapit ng palapit ang boses, hindi ko pinansin. Ayan na sa likod ko ang boses na tumatawag sa aking pangalan, nasa likod  ko na, takbo ng matulin, hindi nasa tabi ko na pla, mas lalo pang binilisan ang pagtakbo. takbo takbo, ayan na ang boses. Teka sandali, boses ni Beyonce ang naririnig ko, hindi niya tinatawag ang aking pangalan sa halip kumakanta siya ng Ring the Alarm. Nagaalarm na pla ang phone ko  hudyat para ako ay bumangon na. 

Salamat kay Beyonce, ginising niya ako sa mahabang pagkakatulog at sa walang hanggang panaginip, kaya ayun, heto nagbabalik na uli ako para mag-blog. Mahigit isang buwan din ako nawala dito kaya kinakailangan ko ng isang matinding pag-uupdate sa mga bagay bagay na nangyari sa mundo ng mga blogero.

 

  

Posted by ihidemyself at 11:42 pm | permalink | comments[4]