Tila isang ulap na palutang lutang sa malawak na kalangitan, tinangay sa kung saang lugar na hindi ko alam. Naglayag sa asul na karagatan, nawala sa kalagitnaang walang hanggang tubig ang nakikita. Panandaliang humiwalay ang kaluluwa sa katawang lupa ko malayang tinahak ang daang walang kasiguraduhan kung saan patungo. Nahimlay sa kadiliman na tanging tala lamang sa langit ang nagsilbing ilaw. T umakbo ng matulin, papalayo sa lugar na kinamulatan, tumakbo ng tumakbo, pabilis ng pabilis, walang pagod na naramdaman, ninamnam ang hangin na humahampas sa aking muka at buong katawan. Bigla kong narinig na may tumatawag sa aking pangalan, pinapabalik ako, hindi ako lumingon, sa halip lalo pang binilisan ang pagtakbo palayo. Palapit ng palapit ang boses, hindi ko pinansin. Ayan na sa likod ko ang boses na tumatawag sa aking pangalan, nasa likod ko na, takbo ng matulin, hindi nasa tabi ko na pla, mas lalo pang binilisan ang pagtakbo. takbo takbo, ayan na ang boses. Teka sandali, boses ni Beyonce ang naririnig ko, hindi niya tinatawag ang aking pangalan sa halip kumakanta siya ng Ring the Alarm. Nagaalarm na pla ang phone ko hudyat para ako ay bumangon na.
Salamat kay Beyonce, ginising niya ako sa mahabang pagkakatulog at sa walang hanggang panaginip, kaya ayun, heto nagbabalik na uli ako para mag-blog. Mahigit isang buwan din ako nawala dito kaya kinakailangan ko ng isang matinding pag-uupdate sa mga bagay bagay na nangyari sa mundo ng mga blogero.
Welcome back!
Posted by Ken at June 18, 2008, 10:35 am@komski- tapos na eb? ngayon ko lang nabasa tong comment mo e.
@ken- maraming salamat ken.
tapos na, hehehe, nag-uwian kami 10 ata. Hinanap ka pa naman ni doc rio:)
Posted by komski kuno at June 19, 2008, 9:42 amAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Ayus. Oi, tama, sama ka sa EB, hehehe sa wed na:)
Posted by komski kuno at June 17, 2008, 6:54 am